Kahulugan ng tunay na Vampirism
Ang bampira (vampire) ay karaniwang kumukuha ng enerhiya o maaaring umiinom ng dugo na maaaring magpakita ng saykikong (psychic) kakayahan. Habang ang pananahilan, interpretasyon, at kung minsan kahit na ang "tamang"spelling ng vampirism ay pinagtataluhan. Sa pangkalahatan, ang mga vampire ay isang indibidwal na hindi kayang sustentuhan ang kanilang pisikal, mental, at espirituwal na pangangailangan kung hindi sa pagkuha ng dugo o mahalagang enerhiya mula sa ibang pang mapagkukunan; kadalasan tao. Kapag hindi nakakapagfeed, ang vampire ay nagiging antukin, mahina ang katawan,nalulumbay, at madalas ay nauuwi sa pisikal na paghihirap o kakulangan sa ginhawa. Ang mga vampires ay madalas magpakita ng mga palatandaan ng pakikiramay, damdamin ng pakiramdam, at ang pangkalahatang kamalayan sa mundo sa paligid nila. Sa isang banda, ang pagtukoy sa vampirism ay naiiba sa isang indibidwal ayon sa kanilang batayan na nagreresulta sa pagkakalito ng pagtukoy ng vampiric range of ability and experience. Ang ibang pagispell ng “vampyre” ay nakadepende pa din sa landas kung pano yayakapin o ipapasamuhay ng isa ang vampirism. Maraming mga vampiric Paths, Houses, Orders, Associations, at Groups sa loob ng vampire community na umiiral online at offline, madalas ang bawat isa ay mayroong sarili at natatanging pilosopiya, aral, ethical tenets at protocols.
Sanguinarian (sang) Vampires ay nabubuhay sa paginom ng dugo – maaring tao o hayop. Ang mga sanguinarian vampires ay maaaring magiba ng karanasan pagdating sa dugo at kung gaano kadalas at kadami ang kailangan nila kunin, ngunit ang natatanging labis na pananabik para sa dugo at ang pisikal na sintomas na nauugnay sa paginom ng dugo ay isa sa mga tampok na katangian ng isang sanguinarian vampire. Ang pagkonsumo ng dugo mula sa mga tao ay nakadepende sa kasunduan o napagusapan ng vampire at ng donor nito. Hindi lahat ng miyembro ng vampire community ay kinikilala ang kaibahan ng psychic at sanguinarian vampirism, ngunit may isang theorya ngunit hindi pa napapatunayan sa loob ng vampire community na ang life force energy o prana na makikita sa loob ng dugo ang source o dahilan kung bakit nila iniinom ito hindi dahil sa ibang physical components na makikita sa dugo mismo. Ang teorya na ito ay suportado dahil sa kapansin pansin na maliit na bilang na dami ng dugo na kailangan para pakalmahin ang kani-kanilang gutom ; madalas isa hanggang sa dalawang kutsara, pero kailangan tanggapin na ang mga vampires na iyan na icinoconsider ang sarili bilang mga primary blood drinkers ay hindi nagpapakita ng mga psychic tendencies hindi katulad ng mga psychic vampires, ngunit nagpapakita ng mga pisikal na sintomas tulad ng katalinuhan at pisikal na lakas kesa sa mga ginagawa ng psychic vampires.
Psychic (Psi) Vampires ay mas naiintindihan na nagfefeed physically sa life force energy. Psi (or Psy) feeding ay karaniwang ginagawa sa isang willing na individual o maaring donor o kaya mga enerhiya sa paligid ng madaming tao. Ang term na to ay madalas napagkakamalan kasama ng pop psychology use ng “ psychological vampire”, na ginagamit bilang metapora sa paglalarawan ng partikular na mapagmanipulang ugali. Ang Psi Vampire, ay tumutukoy sa isang vampire na nagfefeed sa pamagitan ng energy transfer, ang term na ito ay maaring paikliin sa tawag na psivamp. Ang Psy vampire at ang “psychic” vampire ay minsan na itinuturing na kasingkahulugan para sa psi vampire, ngunit minsan ding nagagamit bilang magkahiwalay na tuntunin pero may natatanging kahulugan. Halimbawa, ang “psi” ay madalas ginagamit bilang kahulugan sa ESP phenomena sa parapsychology, at ang “psy” ay ang pinaikling salita para sa “psychic” at “psychological”. Sa mga taong gumawa ng pagkakaiba sa mga katawagan na ito ay maaaring ginagamit ang mga kahulugan nito batay sa kanilang mga pangangatwiran.
Hybrid o Psi/Sang Vampires ay nagsasabing wala silang pangunahing paraan ng pagfefeed, dahil maaari silang magfeed kahit kanino at kahit na anong oras nila gustuhin. May ibang nagsasabi na papalit palit sila ng pangunahing paraan ng pagfeed mula sa dugo lipat ng energy o vice versa, sa ibat’t-ibang punto ng kanilang buhay. Sa ilan, ngunit hindi lahat, ang mga vampires na nagfefeed o nakapagfeed sa parehong paraan ay mas pinipiling ilarawan sila bilang Psi/Sang o Hybrid vampires. Pero ang iba pang community members ay mas pinagbubutihan para tukuyin ang sub-classes of vampirism batay sa sa mga detalyadong paraan at mapagkukunan ng psychic feeding. Ang mga klase na ito ay madalas nakikilala mula sa isa’t isa batay sa klase ng enerhiyang nakukuha. Doon sa mga nagfefeed mula sa natural o simpleng enerhiya, at doon sa nagfefeed sa tao maaaring sa tuwing sexual contact, sa tuwing magickal rituals, o kaya sa mga oras na malakas ang pagbubuhos ng emosyon na maaaring ilarawan bilang mga tiyak na katangian ng isang vampire. Karagdagang pagpapaliwanag na meron talagang psi feeding energy, kabilang ang terminolohiya upang ilarawan ang mga nagfefeed ng direct contact sa human aura, sa mga nagfefeed sa emerhiya ng madaming tao at sa mga pampublikong lugar, at sa mga nakakakuha ng iba’t ibang uri ng emosyon atbp.
Karapatang magpalathala 2005-2012; Atlanta Vampire Alliance [AVA] at Suscitatio Enterprises, LLC, Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang artikulong ito ay maaaring ipamudmod muli, isalin, o ipagtibay sa pamamagitan ng iba pang mga organisasyon sa kondisyon na walang pagbabago ng nilalaman at ang buong sipi ay kasama.
|